Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Hero, malapit nang makalabas ng rehab
Hero, malapit nang makalabas ng rehab

Hero, malapit nang makalabas ng rehab

PARANG kailan lang noong ikinagulat ng showbiz ang balitang isa rin palang drug dependent si Quezon City Councilor Hero Bautista.

September last year nang nasa mismong bakuran pala ng magkakapatid na (QC Mayor)  Herbert at Harlene ang target ng malawakang drug war na inilunsad ng administrasyong Duterte. Wala silang idea na gumagamit pala ng ipinagbabawal na gamot si Hero.

Ang ironic pa, nasa puwesto pa man din si Hero pero sa halip na gamitin ni Mayor Bistek ang kanyang kapangyarihan ay ipinasok niya ito sa isang undisclosed drug rehab facility.

READ MORE:  Tori Garcia, naging instant co-host ni Willie Revillame

Pero ang pagkaka-confine ni Hero roon ay hindi naging hadlang para hindi niya gampanan ang sinumpaang tungkulin bilang Konsehal.

Tuwing Lunes ay pinapayagan si Hero na um-attend ng council meeting pero balik-rehab center din ito pagkatapos.

READ MORE:  Nora, umiiyak na nakiusap kay Ian: dalawin ang tiyuhing si Buboy

Ayon kay Harlene na humarap kamakailan sa mga reporter na taon-taon ay binibigyan ng pamilya Bautista ng birthday treat, hopefully ay makakalabas na si Hero sa ikalawang linggo ng buwang kasalukuyan.

Why the period of his release is short of two months, Hero’s cooperative behavior ang dahilan ng pag-igsi ng dapat sana’y isang taon niyang pamamalagi sa drug rehab center.

READ MORE:  Louie’s Biton humahataw tuwing Linggo (“Wansapanataym, nag-iisang Pinoy program na nominado sa Emmys)

Para kay Harlene, mahalaga ang support system sa ikababago ng isang drug dependent for the better. All this time ay hindi kasi nila pinabayaan si Hero na sa kanilang paniniwala’y karapat-dapat bigyan ng pangalawang tsansa.

Sana nga’y magtuloy-tuloy na ang ganap na paggaling ni Hero at magsilbing inspirasyon sa marami ang kanyang pinagdaanan.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved