Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Hari at reyna sa QC hall imbestigahan
Hari at reyna sa QC hall imbestigahan

Hari at reyna sa QC hall imbestigahan

ABA, aba, aba mga ‘igan, sino naman kaya itong ibinulong ng aking pipit-na-malupit na bruskong mag-aasta na alyas ‘Madam’ at alyas ‘Bossing’ sa Engineering Department ng Quezon City Hall, na kung magkikilos animo’y ‘Hari’ at ‘Reyna.’

Kung ano ang maisip at gustong gawin ay hindi kayang baliin sinoman ang masaktan at maapektohan. Sukdulang laitin, alipustahin at pagsamantalahan umano ang mga pobreng empleyado sa kanyang hinahawakang departamento.

Sus ginoo!

Anak ng teteng mga ‘igan, ayon sa aking pipit-na-malupit, ito raw si Madam ay marami nang sinaktang damdamin na basta-basta inaalis o sinisibak sa  puwesto ang mga tauhan na sa wari niya’y hadlang, sumusuway at tumataliwas sa kanyang patakaran.

Ang siste pa mga ‘igan, itong alyas ‘Bossing’ na jowa umano ng Reyna este ni ‘Madam,’ na ayon sa aking pipit-na-malupit na kung tawagin sa kanilang opisina ay Boss Jerald, ay ginagawang bodyguard, utusan, alalay ang kanyang mga tauhan. ‘Ika nga’y parang busabos kung ituring ang mga kawani ng Engineering Department.

Isang halimbawa mga ‘igan, ang empleyada umano ni Madam, lahat ng kanyang iniuutos ay sinusunod nito. Lahat ng kanyang ipinagagawa ay ginagawa ng pobreng empleyada kahit mahirap, sa kagustuhang huwag siyang sibakin ng Reyna. ‘Ika nga, ang utos ng Reyna ay hindi dapat mabali at hindi puwedeng kontrahin. Ang masaklap dito mga ‘igan, sa kabila nito, sinibak pa rin sa trabaho ang pobreng empleyada. Ang dahilan umano ni Madam-Reyna, may “family problem” ang empleyada kaya hindi na siya mare-renew!

READ MORE:  Smear campaign ng gambling lords vs PNP Chief DG Alan Purisima ang misdeclared SALN? wee … hindi nga?

Anak ng tipaklong na duling, Madam Reyna, ano ang kinalaman sa trabaho ng sinasabi mong family problem? Aba’y Madam, apektado ba ang trabaho ng empleyada mo o baka naman apektado ka dahil sa jowa mong si Boss Jerald dahil sa gawain niyang pangongotong umano sa mga contractor sa Quezon City?

Aba’y alam ba ni Mayor Bistek ang grabeng katiwaliang nagaganap ngayon sa departamentong hinahawakan mo, na gamit pa umano ang pangalan ng ninong nito na si dating Mayor Belmonte? Huwag n’yong dungisan ang pangalan ni dating Speaker Belmonte!

Mga tinamaan kayo ng lintek!

Dagdag ng aking pipit-na-malupit mga ‘igan, itong si Boss Jerald na jowa umano ni Madam Reyna ay hindi umano kuwalipikado sa kanyang puwesto, pero nananatili sa posisyon kahit walang service-eligibility!

READ MORE:  Nagpapakilalang bagman ni NCRPO OIC C/Supt. Allen Bantolo nagpipiyesta na sa kolek-tong

Sinabi pa ng aking pipit-na-malupit mga ‘igan, inupakan at napabalita na rin si Boss Jerald sa isang bantog na radio-program ng tatlong magkakapatid, dahil sa umano’y binugbog ang isang tauhan na hindi sumunod sa kanyang iniutos. Ang banat ng bantog na radio program ng magkakapatid ay sinagot ni Mayor Bistek Bautista at sinabing awtomatikong sisibakin daw sa puwesto!

Pero binola lang ang batikang radio-commentators dahil hanggang ngayon ay nananatili pa sa puwesto si Boss Jerald at patuloy sa pang-aabuso sa kanyang tungkulin.

Maraming pagkakataon na pagdating ng sahod, kinokompiska umano nitong si Boss Jerald ang ATM card ng kanyang mga empleyado at wini-withdraw ang suweldo para bawasan umano. Anong kawalanghiyaan itong gawain ni Bossing Jerald? Pinaghirapan at pinagpaguran ang pera para kitain, pagkatapos ay kokotongan lamang sila nitong si Bossing Jerald na walang awa!

Ito pa ang isang matindi, kumakain umano sa mga restaurant, naglalasing sa bar-clubs si Boss Jerald na ang tagabayad umano’y mga kontratista ng City Engineering Office.

READ MORE:  Machinery vs. Popularity

Sus ginoo! Kung may katotohanan ang lahat ng sumbong ng aking pipit-na-malupit, aba’y tamaan sana kayo ng kidlat! Boom! Mayor Bistek, gumising ka po sa katarantaduhan ng ilang mga tao mo at baka maalimpungatan ka at mabukulan ni Boss Jerald!

He he he Mayor bulong ng aking pipit, binabakalan din ni Boss Jerald ang mga yero, semento at iba pang construction materials n’yo dyan at ginagamit sa pagpapagawa ng bahay ng kanyang jowang si Madam Reyna!

Dapat ay mapaimbestigahan ang mag-jowa dahil kung may katotohanan ang bulong ng aking pipit, aba’y tarantado sa dilang tarantado ang nasabing mag-jowa!

Mayor Bistek, ganyan po ba kayo magpatakbo ng opisina n’yo, puro mga abusado ang pinagkakatiwalaan n’yo? Sana man lang ay hindi magkasama sa trabaho, e kaso magkasama sa iisang departamento kung kaya’t magkasama na rin sa katarantadohan!

Abangan ang iba pang detalye…

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI –  ni Johnny Balani

COMMENTS

About Johnny Balani

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved