Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 70 Lanao cops ‘unaccounted’ (Sa sagupaan sa Marawi)
70 Lanao cops ‘unaccounted’ (Sa sagupaan sa Marawi)

70 Lanao cops ‘unaccounted’ (Sa sagupaan sa Marawi)

UMAABOT sa 70 pulis mula sa Lanao provinces ang ‘unaccounted for’ magmula nang sumiklab ang sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at Islamic State (IS)-inspired terrorists sa Marawi City nitong Mayo, ayon sa top COP ng rehiyon.

“Hindi pa po na-account ang lahat pero patuloy po namin silang hina-hanap. Hindi pa masabi ang bilang ngayon, pero noong huling count ay nasa 70 po, sa buong Lanao na po iyon,” pahayag ni Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, police director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

READ MORE:  Sa CaMaNaVa tigil-pasada tinapatan nang libreng sakay (sapilitang tigil-pasada itinanggi ng transport group)

“Hindi nagre-report, hindi ma-account. Hindi naman sila necessarily nawala. Baka naipit lang sa kung saan,” dagdag ni Sindac.

Aniya, hindi maaaring na-trap ang nawawalang mga pulis sa Marawi nang kubkubin ng mga terorista ang ilang vital installations  at naglunsad ng pagsalakay sa nasabing lungsod noong 23 Mayo.

READ MORE:  Blacklist sa ospital ipatutupad ng PhilHealth (Bwelta sa PHAP)

“Hindi namin dini-discount ang possibility, pero hindi naman po malaki ang chance na ganoon po,” ani Sindac.

Aniya, ilang pulis ang maaaring hindi nakapag-report sa kanilang unit dahil sa saradong mga kalsada.

READ MORE:  Palasyo tikom-bibig sa PNoy-Binay meeting agenda

Ang mga pulis ay sumusuporta sa mga sundalo sa pakikisagupa sa daan-daang local and foreign fighters sa Marawi.

Hanggang nitong Sabado, ang bilang ng mga tropa ng gobyerno na napatay sa sagupaan ay umabot sa 58. Habang 20 sibilyan ang napatay. Sa kabuuan, mahigit 100 katao na ang napatay.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved