Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Seguridad sa concert ni Britney Spears ikinasa ng NCRPO
Seguridad sa concert ni Britney Spears ikinasa ng NCRPO

Seguridad sa concert ni Britney Spears ikinasa ng NCRPO

INIHAYAG ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong linggo, inihahanda na nila ang ibibigay na seguridad sa concert ni Britney Spears sa Pasay City sa Huwebes.

“…Protocols set by the Southern Police District and event organizers du-ring concerts will be implemented,” pahayag ni NCRPO spokesperson Chief Inspector Kimberly Molitas.

READ MORE:  Gobyerno bulag sa hirap dulot ng Federalismo — solon

Sinabi ni Chief Supt. Tomas Apolinario, Southern Police District director,  ang kaukulang security agencies ay magsasagawa ng coordinating conference sa Martes bilang paghahanda sa concert ni Spears.

READ MORE:  Suarez hinirang na minority leader

Ang concert ng American pop star ay gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa 15 Hunyo.

Mahigpit ang paghahanda ng mga opisyal upang maiwasan ang naganap na insidente ng pag-atake sa concert ni Ariana Grande sa Manchester nitong nakaraan buwan, na inako ng ISIS.

READ MORE:  Bus sumalpok sa Star Tollway railing, 6 sugatan

Nitong nakaraang linggo, sinabi ni NCRPO chief, Director Oscar Albayalde, walang na-mo-nitor ang intelligence units na ISIS militants sa Metro Manila.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved