Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 karnaper sa QC patay sa shootout
2 karnaper sa QC patay sa shootout

2 karnaper sa QC patay sa shootout

PATAY ang dalawang hinihinalang karnaper makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) La loma Police Station 1, nang isilbi ang warrant of arrest laban sa mga suspek sa Brgy. Manresa, Quezon City, kahapon.

Sa ulat ni Supt. Ro-berto Sales, La Loma PS 1 chief, kay QCPD director, C/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga suspek na sina Wilson Nakpil at Ferdinand Chiuco, kapwa ng Mauban St., Brgy. Manresa.

READ MORE:  300 pamilya nasunugan sa Alabang

Ayon kay Supt. Sales, dakong 2:00 pm nang isilbi ng kanyang mga tauhan ang arrest warrant laban sa dalawang suspek sa kasong theft sa bahay ni Nakpil sa Block 2, Lot 13, Mauban St.

READ MORE:  14-anyos tinurbo, erpat arestado

Ngunit imbes sumuko sina Nakpil at Chiuco, pinaputukan nila ang mga operatiba habang papalapit sa bahay ni Nakpil dahilan para gumanti ang tropa ng PS 1, nagresulta sa pagkamatay ng dalawang suspek.

READ MORE:  Sanggol, bata patay sa meningo sa Davao City

Narekober ng mga awtoridad ang dalawang kalibre .38 baril, at spare parts ng mga nakaw na motorsiklo.

May natagpuan ding dalawang sachet ng shabu mula sa mga suspek. (ALMAR DANGUILAN)

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved