Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, hirap magmatapang sa role
Kris, hirap magmatapang sa role

Kris, hirap magmatapang sa role

ISA sa pangarap ni Kris Bernal na 11 taon na sa showbiz ang magkaroon ng award mula sa kanyang mga ginagawang proyekto.

Ayon kay Kris, “Ito, umaasa rin ako sa role (kasalukuyang serye) na ito kasi bida-kontrabida siya.

“So, pinagbubutihan ko kasi gusto ko makita ng tao ‘yung difference ng dalawa.”

READ MORE:  FBOIS ng Viva, pinagkakaguluhan at tinitilian

Kuwento nga nito sa kanyang role, “Pareho ‘yung mukha, ‘di ba.  Kung pareho ‘yung acting, eh, ‘di wala na, pangit na.

“So, rito mo makikita na talagang pinag-aralan ko, dahil inupuan ko talaga, isinulat ko talaga ‘yung pagkakaiba nila. Nag-workshop din talaga ako.”

READ MORE:  Alden, isang restaurateur na (Lily Chua, papasukin na ang pagpo-produce ng concerts)

Si Cherie Gil ang peg niya sa role niya. “Si Ms. Cherie Gil ‘yung peg ko for Rosette, medyo close roon kasi very class and very poised.

“Si Sunshine (Dizon) kasi puwede ko siya i-peg kay Nimfa, roon sa mahirap na character na lumaking hindi maganda.

READ MORE:  Coco, magba-bakla sa pelikula nila

“Pero since sanay ako roon sa inaapi ako palagi, dahil ‘yun ang role na natatanggap ko palagi, so ok na sa akin ‘yung iyak ng iyak.

“Pero yung maging matapang, ‘yun ‘yung medyo alanganin ako,” pagtatapos ni Kris.

(JOHN FONTANILLA)

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved