Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Ayuda sa OFWs sa Qatar ikinasa
Ayuda sa OFWs sa Qatar ikinasa

Ayuda sa OFWs sa Qatar ikinasa

TINIYAK ng Malacañang, nakahanda ang pamahalaan na ayudahan ang overseas Filipino workers (OFWs) sa Qatar sakaling maapektohan sila ng tensiyon sa Gitnang Silangan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, posibleng magkaroon ng epekto sa OFWs ang pagputol ng diplomatikong ugnayan ng Saudi Arabia, UAE, Egypt, Bahrain sa Qatar kaya tinututukan ng kaukulang mga ahensiya ng pamahalaan ang sitwasyon at ikinasa na ang kinakai-langang pagsaklolo sa mga migranteng Filipino.

READ MORE:  Death penalty nais ibalik

“The decision of Saudi Arabia, UAE, Egypt, and Bahrain to cut diplomatic ties with Qatar may have some ripple effects on our overseas Filipino workers,” ani Abella.

READ MORE:  May sukbit na toy gun, senglot binoga sa ulo

”Concerned government agencies are now looking at the matter and would extend assistance and other support to OFWs who may be affected by such action,” dagdag niya.

READ MORE:  Bert Lina ibinalik ni PNoy sa BOC

Nauna rito’y pansamantalang ipinatigil ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagde-deploy ng OFWs at pagbibiyahe sa Qatar  simula kahapon.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved