Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Kudos BoC at NBI!
Kudos BoC at NBI!

Kudos BoC at NBI!

MAGALING ang mga tauhan ng BoC at NBI sa pagkakasabat ng P6 bilyon halaga ng shabu sa isang warehouse sa Valenzuela.

Naitimbre ito ng Chinese counterpart kaya nasabat ng mga tauhan nina Director Neil Estrella ng BoC-CIIS at NBI Director Atty. Dante Gierran.

Napakagandang regalo ito  sa sambayanan.

Iniimbestigahan ngayon ang hepe ng BoC-RMO na si Atty. Larry Hilario kung bakit nailagay sa green lane ang kontrabando ‘e alam naman na kapag galing sa China, automatic red lane ‘yan!

READ MORE:  Mananagot ang salarin sa Davao bombing

Ganoon din ang BoC-AMO na si Atty. Grace Malabed, ang hepe kung paano nagkaroon ng accreditation ang consignee nito.

Ang problema ni Hilario ngayon, kung bakit daw nakalusot sa kanya e sila nga ang nag-a-alert?

Totoo ba ang tsismis na may ipinagagawa siyang bahay at dumami ang sasakyan? Dapat yatang isalang siya sa lifestyle check, ‘di ba?

READ MORE:  Umaasa sa maligayang Pasko at pag-asa sa 2015

Sa insidenteng ito, agad na inalerto ni BoC Enforcement Group Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno ang kanyang mga customs police para siguruhin na wala nang makalulusot na droga sa mga pantalan.

Doble trabaho rin ang NBI-AOCTD sa pangu-nguna ni Atty. Tetz Lalucis para makakuha pa nang sapat na ebidensiya kung sino-sino pa ang involved sa sindikatong ito ng droga.

READ MORE:  Bentahan ng botcha sa Malabon City

Sa NBI at CIIS, mabuhay kayo!

***

Congratulations pala kay Mary Rose O. Toledo for passing the 2016 bar examination at sa kanyang loving mama na si COOIII Evelyn Toledo.

Talagang may pinagmanahan si Atty. Mary Rose.

Magaling!

PAREHAS – Jimmy Salgado

COMMENTS

About Jimmy Salgado

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved