Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dating may ka-loveteam na actor at modelong produkto ng reality show, magdyowa na
Dating may ka-loveteam na actor at modelong produkto ng reality show, magdyowa na

Dating may ka-loveteam na actor at modelong produkto ng reality show, magdyowa na

DATI nang pumapailanlang ang tsismis na may bahid-kabadingan ang dalawang personalidad na ito: ang isa’y nakalikha na rin ng pangalan sa showbiz na dating may ka-loveteam na mainit na tinanggap ng publiko, at ang isa nama’y produkto ng isang reality show na nalilinya sa modeling.

READ MORE:  Actor Spanky Manikan dies at 75

Ngayon ay sila na pala.

Sa katunayan, hindi na sana mabubuko ang kanilang bromance kung hindi dahil na rin sa kanilang kawalan ng pag-iingat.

READ MORE:  Iya, boring mag-host; nakaiirita pa ang pagharang sa mga tanong!

Eh, sukat ba namang bumiyahe sila ng sabay patungo sa dalawang magkalapit na bansa (take note, dalawang bansa!), nagpapiktyur nang magkahiwalay pero iisa naman ang ginamit na background!

Bingo! Walang dudang magdyowa na nga ang dalawang itech na kamakailan ay nagliwaliw sa Mexico at sa Amerika na itago na lang natin sa alyas na Alvin Lazatin at Starsky Tremolo.

READ MORE:  Jinggoy, kinompirmang tatakbong VP

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved