Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aiko Melendez, patuloy na dinadagsa ng blessings!
Aiko Melendez, patuloy na dinadagsa ng blessings!

Aiko Melendez, patuloy na dinadagsa ng blessings!

TULOY-TULOY ang pagdating ng blessings kay Aiko Melendez. Nagbibida na siya ulit ngayon sa pelikula at hindi nababakante sa TV project. Kabilang sa pinagkaka-abalahan niya ang dalawang bagong pelikula na kanyang pinagbibidahan ang-Balatkayo ng BG Productions International at New Generation Heroes mula naman sa Golden Tiger Films, sa pamamahala ni Direk Anthony Hernandez.

Sa TV naman, humahataw ang kanyang karakter sa TV series na Wildflower ng ABS CBN na pinagbibidahan ni Maja Salvador. Nabanggit niyang mas challenging para sa kanya ang maging kontrabida dahil mas masarap daw laruin ang pagiging kontrabida. Kahit daw dumating sa point na minumura na siya ng viewers.

READ MORE:  Direk Joey Nombres, husay sa pag-iilaw sa entablado, muling ipinakita

“Ito na po ang pinakamasamang character na na-play ko. Pero maaawa rin sila sa pinanggagalingan ng character ko po, kasi api rin siya and also longing always for love and affection na hindi maibigay kay Emilia.

“Mayroong mga viewers po na minumura ako, pero surprisingly mas marami ang naaawa sa akin. Pero okay lang po na murahin ako ng viewers, dahil ibig sabihin ay effective po ako sa ginagampanan kong papel.”

READ MORE:  Heart, sa NY naman rarampa

Pero bukod sa mga proyektong ito, pati sa acting awards ay humahataw din siya.

Last Wednesday (May 3) ay pinarangalan siya sa 19th Pasado Awards bilang Pinakapasadong Katuwang na Aktres para sa pelikulang Iadya Mo Kami ng BG Productions International, ka-tie niya si Barbie Forteza para sa naman sa pelikulang Tuos.

“God is good po, the last two years of my life wasnt so good po, eto na bumabalik na po… lahat ng dasal and paghihintay ko po dumating na po sa tamang panahon.

READ MORE:  Mga anak ni Jinggoy, biktima ng pagbu-bully

Siyempre mas ganado po akong magtrabaho lalo kapag may mga ganitong award and mas pagbutihin ko pa po.

“Amen! I’ve been really blessed. It pays to really pray, and it pays to be patient.”

Pang-ilang awards na niya ito? “Sa local, pangalawa yata po ito, and then sa International, last year naka-isa po ako sa New York,” masayang saad pa niya.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved