Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Mag-asawa, magpinsan utas sa ratrat sa San Juan
Mag-asawa, magpinsan utas sa ratrat sa San Juan

Mag-asawa, magpinsan utas sa ratrat sa San Juan

APAT katao, sinasabing nasa drug watchlist ng PNP, ang pinagbabaril at napatay ng armadong mga suspek sa magkahiwalay na lugar sa San Juan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni S/Supt Wil-liam Segun, chief of police, ang unang napatay na mag-asawang sina Nicolas Evan Pinili, 48, Mercedes Pinili, 48, kapwa ng Brgy. Progreso ng nasabing lungsod.

READ MORE:  Mison sinibak ni PNoy (Sa Bureau of Immigration)

Ayon sa ulat, dakong 10:30 pm, pinasok ng dalawang suspek ang mga biktima sa kanilang bahay at pinagbabaril.

Sa record ng pulisya, nasa drug watchlist ang mga biktima at linggohan duma-dalo sa barangay activities, makaraan sumuko sa “Oplan Tokhang.”

READ MORE:  Peace talks ituloy kahit nagbabakbakan — Bayan

Samantala, binawian ng buhay ang magpinsan sina Anthony Zamora, 38, at Jonathan Madriñan, 47, kapwa ng Morales St., Brgy. Salaan, sa lungsod, makaraan pagbabarilin ng mga suspek dakong 11:05 pm.

READ MORE:  Urban Poor Groups solid kay Grace Poe

Ayon sa ilang residente, makaraan ang ilang putok ng baril, nakita nila ang pag-alis ng 10 motorsiklo at mabilis na tumakas. (ED MORENO)

COMMENTS

About Ed Moreno

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved