Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pinigilan kumanta senglot nanaksak, mag-ina sugatan
Pinigilan kumanta senglot nanaksak, mag-ina sugatan

Pinigilan kumanta senglot nanaksak, mag-ina sugatan

SUGATAN ang mag -ina na may-ari ng videoke machine, makaraan undayan ng saksak ng la0sing na lalaking pinigi-lan nilang kumanta sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kapwa ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang mag-inang sina Beverly, 57, at John Ryan Bismanos, 28, residente sa Sitio Puting Bato, Road-10, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), sanhi ng mga tama ng saksak ng basag na bote.

READ MORE:  4-anyos totoy tinurbo ng 14-anyos pinsan

Habang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na kinilalang si alyas Dodong Amores, tumakas makaraan ang insidente.

Base sa ulat  ni PO3 Joemir Juhan, dakong 7:30 pm, naghulog ang suspek ng P5 sa videoke machine na pag-aari ng mga biktima, at kumanta bagama’t wala sa tono.

READ MORE:  Sa Negros Occidental: Tone-toneladang tahong napadpad sa dalampasigan

Pagkaraan ay muli sanang maghuhulog ang biktima ng barya ngunit pinigilan ni John Ryan dahil nabubulabog ang kanilang mga kapitbahay.

Bunsod nito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang kumuha ng basag na bote ang suspek at inundayan ng saksak si John Ryan.

READ MORE:  P38-M idineposito sa kaanak ni Dayan (Pahaharapin sa Kamara)

Tinangkang umawat ni Beverly ngunit maging siya ay inundayan din ng saksak ng suspek at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved