Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2016 Bar Exam result ilalabas sa 3 Mayo — SC
2016 Bar Exam result ilalabas sa 3 Mayo — SC

2016 Bar Exam result ilalabas sa 3 Mayo — SC

ILALABAS ng Supreme Court (SC) sa 3 Mayo ang resulta ng 2016 Bar Examinations.

Sinabi ng SC Public Information Office, magsasagawa muna ng special en banc session ang mga mahistrado ng SC saka ilalabas ang resulta ng pinakamahirap na pagsusulit sa bansa.

READ MORE:  Digong sinungaling na magnanakaw pa

Pag-uusapan anila sa na-sabing sesyon ng Supreme Court justices ang passing grade sa naturang eksaminasyon.

Sa ilalim ng ng Rules of Court, kailangan makakuha ng 75 percent rate ang isang bar examinee sa lahat ng subject upang makapasa.

READ MORE:  10 patay, 12 sugatan sa sagupaan sa Maguindanao

Ngunit maaari itong ibaba ng mga mahistrado depende sa resulta ng eksaminasyon.

Noong nakaraang taon, aabot sa 6,831 bar graduates ang kumuha ng pagsusulit sa University of Sto Tomas (UST), na isinagawa sa apat na Linggo ng Nobyembre.

READ MORE:  Preso naglaslas ng pulso sa selda

Kabilang sa mga subject sa bar exam ang Political Law, Civil Law, Taxation, Labor Law, Criminal Law, Remedial Law, Mercantile Law, Legal at Judicial Ethics.

Si Associate Justice Presbitero Velasco Jr. ang chairman ng 2016 bar exam.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved