Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kelot kritikal sa tarak ng 4 suspek (Sa Manila North Cemetery)
Kelot kritikal sa tarak ng 4 suspek (Sa Manila North Cemetery)

Kelot kritikal sa tarak ng 4 suspek (Sa Manila North Cemetery)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang lalaki makaraan tarakan sa leeg at sa ibang bahagi ng katawan ng apat lalaki sa loob ng Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

READ MORE:  5 high-profile convicts dinala sa NBI

Nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Tondo ang biktimang kinilalang si Alvin Evangelista.

Habang kinilala ang isa sa mga suspek na si alyas Baloktok, miyembro ng Sigue-sigue Sputnik Gang, at notoryus na siga sa lugar.

READ MORE:  Nat’l day of mourning idedeklara ni PNoy

Sa ulat kay Manila Police District(MPD) Station 3 commander,  Supt. Santiago Pascual III, dakong 10:30 pm kamakalawa nang maganap ang insidente sa 16th Street malapit sa kanto ng 2nd Street sa naturang lugar.

Napag-alaman, makaraan bumili ng gas ng biktima hinarang siya ng mga suspek at pinagtulungan saksakin saka mabilis na tumakas.

READ MORE:  P5-M reward ng Palasyo kay Diaz (Sa Silver Medal sa Rio Olympics)

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo nang pananaksak at pagkakakilanlan ng mga suspek. (BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved