Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Lady remnant ni Mega Senator sa Food Security Council sinibak ni Pangulong Digong (Kartel ng bigas mas pinaboran)
Lady remnant ni Mega Senator sa Food Security Council sinibak ni Pangulong Digong (Kartel ng bigas mas pinaboran)

Lady remnant ni Mega Senator sa Food Security Council sinibak ni Pangulong Digong (Kartel ng bigas mas pinaboran)

Lutang na lutang na protektado ni Undersecretary Maia Chiara Halmen Valdez ang may malalalim na interes sa rice importation.

Kaya hayun, sibak si Ateng.

Kasi ba naman, kahit napagdesisyonan ng grupo ni CabSec. Jun Evasco na huwag mag-import ng bigas sa kaisahan ng Food Security Council ay nakuha pa ring labagin nitong si Usec. Valdez?

Lumalabas tuloy na hanggang ngayon buhay pa rin ang rice cartel sa Filipinas.

Aba ‘e panahon pa ni Marcos ‘yang rice cartel na ‘yan at ngayon nga ‘e naiwan na sa anak ang pagpapatakbo.

Isa sa mga nagmana at nagpapatakbo ng rice cartel na ‘yan ‘e ‘yung kung tawagin ay “Jojo Soman.”

‘Yan sigurong si Jojo Soman ang dahilan kung bakit ipinipilit ni Usec. Halmen-Valdez ang permit sa rice import…

Hay naku, basta talaga pagkakaperahan hindi tumitigil ang remnant ng mga DILAW…

Salamat naman at nasibak na!

MAY TOLL FEE
SA TUTUBAN MALL!?

SIR Jerry, alam na ba ninyo na ang Tutuban Mall ay may toll gate na? Isinara na ang daan sa Mayhaluige St. May bayad pag dumaan ka.

+639159310 – – – –

SPAKOL SA BUENDIA,
PASAY CITY

GOOD pm po sir Jerry, bakit hindi nabubulabog ang matagal na Lapu-Lapu spakol dto sa Buendia Pasay. 1k lang puwede nang extra service sa cubicle. Halatang may timbre sa pulis Pasay ‘di ba?

+63917404 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved