Friday , April 26 2024

Gerald, crowning glory ang makasama si Regine (Pang-world class ang talent)

INAMIN ni Gerald Santos na crowning glory para sa kanya ang makasama sa iisang entablado at maka-duweto ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Aniya, “Sa kanya po ako nagsimula kaya hindi magiging kompleto ang concert ko kung hindi siya ang makakasama lalo hindi ako sigurado kung ito ang aking magiging huling concert sa taong ito. And besides, ito na ang magiging punto ng aking career na puwede kong sabihing isang legitimate concert artist na ako dahil nakasama ko ang Asia’s Songbird.”

Dagdag pa nito, siya mismo ang namili ng kakantahin nila ni Regine na isang English song na nagustuhan agad nito dahil maliban sa napapanahon, isang sikat itong kanta. Ayaw nitong sabihin ang titulo ng kanta dahil surprise ito kaya may humulang reporter na kanta iyon ni Lea Salonga sa Ms Saigon, ang The Last Night of the World pero tikom ang bibig ng Prince of Ballad.

Mas pinagtutuunan ngayon ng pansin ni Gerald ang kanyang singing career na kung tutuusin, isang dipa na lang ang layo at maaabot na ang rurok ng tagumpay.

Ayon sa kanya, matagal pa para ituon ang atensiyon sa pag-ibig dahil  makakapaghintay naman iyon pero ang pananagumpay ay minsan lang dumating sa buhay ng isang tao.

Ayaw man nitong tumbukin kung ano ang ‘bago’ sa titulo ng kanyang konsiyerto na Something New In My Life, maliwanag pa sa sikat ng araw na may kinalaman ito sa kanyang pag-audition sa Miss Saigon.

Kasama rin sa concert niya ang UP Chorus na magaganap na sa April 9 sa Sky Dome SM North EDSA.

PANG-WORLD CLASS
ANG TALENTO

Dumalo ang producer ng konsiyerto ni Gerald na si Mario S. Marcos at aniya, humanga siya sa humble beginning ng mang-aawit. Mayroong  gustong abutin si Gerald kaya dapat aalalayan at tulungan. Naniniwala siya sa kakayahan nito dahil pang-world-class ang talento nito sa pagkanta kaya dadalhin niya ito sa Japan, Hongkong, China, Singapore, Malaysia, Macau, at United Kingdom para bigyan-aliw ang Pinoy community doon.

Ang Something New In My Life ay inihahandog ng Twin Productions International, Sixteen Degrees Entertainment Production, Prinstar Music Philippines, MediaBiz Entertainment, Big Eyes Production, Wish FM, Myra at Globaltronics.  Katuwang din ang SM Supermalls, Royal AsiaExpress Inc., Smart Foundation, SIP Purified Water, RMES Salon, Japs Ramiscal Phtography, RLTV Productions and Fernando’s.  Mabibili ang tickets sa SM Tickets o tumawag sa 470-2222 at 09284782957.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

About Alex Datu

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *