Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 3 Koreano arestado sa CIDG (Wanted sa Interpol)
3 Koreano arestado sa CIDG (Wanted sa Interpol)

3 Koreano arestado sa CIDG (Wanted sa Interpol)

ARESTADO ng mga operatiba ng CIDG Anti-Transnational Crime Unit (ATCU), ang tatlong wanted na Koreano, na matagal nang pinaghahanap sa South Korea.

Kinilala ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, ang naarestong suspek na si Yong Ho Jeon, wanted sa Jeonju District Court, dahil sa kasong fraud.

Nakapanloko si Jeon ng nagkakahalaga ng 5.6 bilyon Korean won, mula sa mahigit 500 biktima sa South Korea, sa pa-mamagitan nang pagpapanggap bilang staff ng isang Korean financing institution.

Nahuli si Jeon nang pinagsanib na puwersa ng CIDG ATCU at Southern Police District sa Makati City, sa bisa ng Interpol red notice.

Bukod kay Jeon, naa-resto rin ng CIDG ang mag-asawang sina Yang Sum at Yang Myung Ock Yeo, sa La Trinidad Benguet.

Si Yang Sum ay ina-resto sa bisa ng interpol red notice dahil sa tatlong kaso ng fraud sa South Korea, habang ang misis niyang si Yang Myung Ock Yeo ay dinampot dahil sa paglabag sa immigration law rules and re-gulations ng bansa.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved