Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Eula, binitin ang Encantadia, lumipat sa Kapamilya
Eula, binitin ang Encantadia, lumipat sa Kapamilya

Eula, binitin ang Encantadia, lumipat sa Kapamilya

PINAG-IINITAN ngayon ng ilang taga-GMA 7 si Eula Valdez dahil bigla na lang siyang umalis at lumipat sa ABS-CBN gayung nasa Encantadia pa siya.

Pero ang ikinatwiran sa amin ng kampo ng aktres, ”walang kontrata si Eula sa GMA po, kaya anytime puwede siyang lumipat ng ibang network.”

At tungkol naman sa Encantadia, tapos na rin ang mga eksena ng aktres kaya walang dapat habulin sa kanya.

Si Eula ay kasama sa bagong teleseryeng Kung Kailangan Mo Ako handog ngDreamscape Entertainment na kamakailan  nag-pictorial ang buong cast para sa gaganaping trade event sa Marso 30.

Ang nasabing serye ay ididirehe ni Manny Palo.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved