Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yen, wala pang anak at single pa rin
Yen, wala pang anak at single pa rin

Yen, wala pang anak at single pa rin

IGINIIT ni Yen Santos sa pa-presscon ng Regal Films para sa Northern Lights: A Journey To Love na hindi niya anak ang nakitang kasa-kasama niya nang minsang mamasyal.

Aniya, kapatid niya iyon.

Nagtataka nga si Yen kung bakit hindi mamatay-matay ang usaping may anak siya mula sa politician eh hindi naman niya iyon pinatulan.

READ MORE:  Bea at Maricar, pinagtatawanan ang kanilang tarayan at awayan sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon

Tatlong taong gulang pa lamang ang bata kaya ikinalungkot niya ang pagdamay dito.

Sinabi pa ni Yen na wala siyang karelasyon sa kasalukuyan at tatlong taon na siyang single. Kaya imposible ang sinasabing may relasyon sila ng director ng pelikula nila ni Piolo Pascual na si Direk Dondon Santos.

READ MORE:  Sikat na young actor, flop ang concert sa Subic?

Palabas na sa March 29 ang Northern Lights at kasama rin dito Raikko Matteo, Tirso Cruz III, Jerald Napoles, Sandy Andolong, Maricar Reyes, at Joel Torre. Handog din ito ng Spring Films at Star Cinema.

READ MORE:  Direk Erik Matti, ‘di na ididirehe ang Darna

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved