Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bangkay ng German na pinugutan natagpuan na
Bangkay ng German na pinugutan natagpuan na

Bangkay ng German na pinugutan natagpuan na

NATAGPUAN na ang katawan ng German national, na pinugutan ng ulo ng mga bandidong Abu Sayyaf Group.

Ayon kay Joint Task Group Sulu (JTF-Sulu) commander, Col. Cirilito Sobejana, natagpuan ang bangkay ng biktimang si Juergen Gustav Kantner dakong 5:45 pm kamakalawa sa Sitio Talibang, Brgy. Buanza, Indanan, Sulu.

Nagsasagawa ang JTF-Sulu ng combat, search ang retrieval operations, nang matagpuan ang bangkay ng biktima.

Agad nilang hiniling sa Scene of the Crime Operatives (SOCO), na ipreserba ang crime scene, at magsagawa ng post mortem examination sa katawan ni Kantner.

Posibleng  idiresto sa morge ng Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital ang labi ni Kantner, habang kinukompleto ang mga papeles para ibiyahe.

Pinugutan ang biktima noong 26 Pebrero makaraan mabigong magbayad ang kanyang pamilya ng P30 milyon ransom.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved