Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gown ni Michael Cinco, isinuot ni Mariah Carey
Gown ni Michael Cinco, isinuot ni Mariah Carey

Gown ni Michael Cinco, isinuot ni Mariah Carey

NATUWA naman kami noong isang araw, nang mabasa namin iyong isang internet post ni Mariah Carey na nagpapasalamat sa Filipino designer na si Michael Cinco para sa isinuot niyang gown. Nang hanapin namin, mayroon na rin pala siyang mga obra na ginamit nina JLo at Lady Gaga.

Hindi namin alam kung may iba pa, pero ngayon lang kami nakarinig ng trabaho ng isang designer na Filipino na ginamit ng ganyan kalalaking international celebrities.

Kung iisipin, may mga pagkakataon ngang maski na ang national costume ng Pilipinas na ginagamit sa mga international beauty pageants, ipinagagawa pa sa mga dayuhang designers na hindi namin alam kung bakit. Iyon pala naman may Filipino na ang trabaho ay ginagamit ng mga international celebrities.

HATAWAN – Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved