Friday , April 26 2024

Robi, nasasaktan pa rin sa hiwalayan nila ni Gretchen

AMINADO si Robi Domingo na nasasaktan pa rin siya sa paghihiwalay nila ng girlfriend niyang si Gretchen Ho dahil limang taon din sila.

Itinanggi ng I Can Do That host na may third party sa paghihiwalay nila at mariin niyang itinanggi na si Sandara Park ang dahilan.

Aniya, ”I don’t know, we are good friends (Sandara), anuman ‘yung narinig n’yo, let’s give the respect that she deserve, kasi she has given honor sa atin kahit nasa ibang bansa siya and the same time, ibigay din natin ang respetong para kay Gretchen kasi she’s one great person.

“We (Gretchen) decided to (break) kasi wala talagang time to grow, ‘yung relationship. We talked about it. Kung anuman ang naririnig n’yo please give the respect she deserved. Our doors are open to each other and that’s the best part, hindi kami bitter sa isa’t isa.

“Yes on my end, I’m still hurting, I’m so sad because of what happened, sana maayos kasi she’s really a good person.”

Ang mga trabaho ang idinahilan ni Robi sa hiwalayan nila ng isa sa host ngUmagang Kay Ganda.

“Pero mas magiging unfair kung hindi ko maibibigay ang time na deserved niya (Gretchen). Personally, mas bibigyan namin ng priority kung ano ang nangyayari sa buhay namin kasi ito ‘yung hinihintay namin,” pangangatwiran pa ni Robi.

Samantala, kakaibang reality show na naman ang I Can Do That na franchise mula sa Israel at base sa trailer na ipinakita ay talagang nakatatakot or death defying ang mga ginagawa ng contestants.

Sa programa, linggo-linggong maglalaban-laban ang I CANdidates na patutunayang wala silang aatrasang hamon: ang aktres at Jiu Jitsu enthusiast na si Cristine Reyes, aktres at in-demand cover girl na si Arci Muñoz, singer-actress na si Sue Ramirez, at host-comedienne na si Pokwang.

Sasamahan naman sila sa pagpapakitang gilas ng theater actor at TV heartthrob na si JC Santos, dancer-performer na si Gab Valenciano, komedyanteng si Wacky Kiray, at ang model-actor at footballer na siDaniel Matsunaga.

Kung sa tingin ng I CANdidates ay kaya nila itong gawin, bababa sila sa hagdan patungo sa performers. Ang unang makarating sa ikaapat o huling step ang magpe-perform ng unique act at pipili ng makakaparehang I CANdidate na sa tingin nila ay ang makakapagpanalo sa kanilang performance.

Didiretso naman sa isang linggong paghahanda ang iCANdidates bago nila i-perform ang kani-kanilang unique act.

Ang pares na makakakuha ng pinakamataas na pinaghalong score mula sa scores na ibibigay ng bawat iCANdidate at extra points na ibibigay sa mananalo ng audience vote ang tatanghaling weekly winner.

Naging puspusan na nga ang rehearsals ng I CANdidates at may nagkaiyakan na dala ng sakit ng katawan at hirap na naabot nila rito. Sa katunayan, halos mabukulan si Daniel dahil natamaan siya ng props na gamit niya sa kanyang act.

Ano-anong unique talents ang kayang gawin ng I CANdidates? Sa gitna ng stress na napagdaanan nila sa training, may nagkapikunan na kaya?

Ang I Can Do That ay nilikha ng Armoza Formats ng Israel at nagawan na ng lokal na bersiyon sa 20 bansa sa buong mundo, kabilang na ang US version nito na ang singer na si Nicole Scherzinger ang itinanghal na unang Greatest Entertainer.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *