Friday , September 12 2025
Sipat Mat Vicencio

Bakit wala ang plunder?

NAIPASA na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ang panukalang nagbabalik sa death penalty.  At ang nakalulungkot dito ay mga kasong rape, treason at plunder ay hindi nakasama sa parusang kamatayan.

Ang second reading ay kasing kahulugan na pasado ito sa Lower House at pormalidad na lamang ang pagsalang ng panukalang batas sa pangatlo at pinal na pagbasa. Kasunod ng pagpasa nito, tatalalakayin naman ang death penalty bill sa Senado.

Pero huwag na tayong magtaka kung bakit tinanggal ng mga kongresista ang plunder o pandarambong sa listahan ng mga parurusahan ng bitay. Hindi ba’t ang mga politiko tulad ng mga senador at kongresista ang karaniwang nakakasuhan ng pandarambong?  Kaya tiyak na inisip muna nila kung paano nila mapoproteksiyonan ang kanilang sarili bago tuluyang aprubahan ang panukala.

Sino ba namang kongresista ang papayag na maparasuhan ng kamatayan sakaling makasuhan sila ng plunder? Hindi ba wala? Kaya nga, expected naman talagang aalisin nila ang kasong plunder sa death penalty bill.

Ang malungkot pa, pati kasong treason at rape ay hindi rin napabilang sa death penalty bill.  Ang ibig sabihin, tulad ng plunder, ang mga nagkasala ng rape at treason ay ligtas na rin sa parusang kamatayan.

Brasuhan talaga ang ginawa ng mga kongresista. Kung interes kasi nila ang masasagasaan, gagawa sila ng paraan para maiiwas nila ang kanilang sarili, kaya nga obvious na pinalabnaw nilang mabuti ang House Bill 4727 o ang death penalty bill.

Kaya hindi ito usapin kung ang mga kongresista ba ay nasa super majority, minority o oposisyon, kundi ito ay usapin kung ano kanilang interes at kung ano ang panukalang batas na ipapasa na hindi makaaapekto sa kanila.

Sa usapin ng parusang kamatayan, sinong kongresitang baliw ang papayag na mapabilang ang kasong plunder? Wala, at iyan ang totoo.

Tropang tricycle boys
sa Finance st., Proj. 8, QC

Binabati natin ang masisipag at mga katropang triycle driver na makikita sa tapat ng Norimart Supermarket sa General Avenue, Proj. 8., Quezon City.

Sa pangunguna ni Boy Diego, Ryan Gamo, Renato “Ato” Ziga, Marvin at Romeo Dayego, Romy del Mundo, Red Apo at ang masipag magtinda ng isda na si Mang Efren, mabuhay kayong lahat!

SIPAT – Mat Vicencio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

money politician

The Who: Pondo para sa isang proyekto ipinalustay ng isang gabinete para sa kampanya ng kapatid

GARAPAL naman talaga ang isang opisyal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa sobrang kakapalan …

Firing Line Robert Roque

Wa’ epek ang pagluha

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINONG hindi magiging emosyonal sa gitna ng malupit na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Katarungan, agad nakamit sa QCPD hot pursuit operations

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi pa hinahatulan ng korte ang tatlong naarestong ‘salarin’ na …

Dragon Lady Amor Virata

Aplikasyon sa Ombudsman ni Remulla hinaharang

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata GAANO katotoo na hinaharang umano ni Senator Imee Marcos …

Sipat Mat Vicencio

Daza, Ongchuan at ang political dynasty sa Northern Samar

SIPATni Mat Vicencio KAPAG ang pag-uusapan ay politika sa Northern Samar, kaagad at mabilis na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *