Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Jeepney drivers haharapin ni Digong
Jeepney drivers haharapin ni Digong

Jeepney drivers haharapin ni Digong

HAHARAPIN  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tsuper at operator ng mga pampasaherong jeep, na naglunsad ng tigil-pasada nitong Lunes, bilang pagkondena sa planong modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nais mapakinggan ng Pangulo ang pagtutol ng mga jeepney driver sa panukalang modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan o phaseout ng mga lumang modelo.

READ MORE:  14 BIFF patay 9 sundalo sugatan sa Maguindanao

Sinabi ni Abella, nais ng Pangulo na marinig lahat ang  boses ng iba’t ibang sektor ng lipunan para personal na mabatid ang  kanilang mga hinaing lalo at may  kinalaman ito sa  kanilang  pang-araw-araw na  pamumuhay.

READ MORE:  Tulog na misis kinatay ni mister

Gayonman, sinabi ni Abella, wala pang itinatakdang petsa ang pag-pupulong.

READ MORE:  Waiver sa field trips walang bisa — CHEd exec

Nauna nang nakausap ng Pangulo ang ilang labor  groups at tinalakay ang mga posibleng solusyon para  matuldukan ang problema sa contractualization o mas  kilala bilang ENDO o end of contract.”

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved