Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 3-anyos paslit nabagsakan ng hollow blocks patay
3-anyos paslit nabagsakan ng hollow blocks patay

3-anyos paslit nabagsakan ng hollow blocks patay

PATAY ang isang 3-anyos lalaking paslit, makaraan mabagsakan nang nakasalansan na hollow blocks sa isang inire-renovate na bahay habang naglalaro sa Old Sta. Mesa, Maynila, kamaka-lawa ng hapon.

Binawian ng buhay habang isinusugod sa San Juan Medical Center Hospital, ang biktimang si John Brandon Garcia, ng 4886 Int. 22, San Roque St., Old Sta. Mesa, Maynila, bunsod nang pagkabasag ng bungo at may matigas na bagay na tumusok sa kanyang kanang pisngi.

READ MORE:  41 properties ni Digong wala sa SALN
READ MORE:  2.1-M pamilya naniniwalang mahirap

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Aldeen Legaspi, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong 1:20 pm sa 4886 Int. 22, San Roque St., Old Sta. Mesa.

Naglalaro ang bata sa kinukumpuning bahay na pag-aari ni Ronhel Claud, 31, nang mabagsakan ng hollow blocks, na isinalansan ni Fracisco Barcial, Jr., 42, construction worker.

READ MORE:  ‘Success’ sa war on drugs ibinida ni Gen. Bato (Kahit kulang ang pondo)

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung may pananagutan sina Claud at Barcial sa pagkamatay ng biktima.

(LEONARD BASILIO)

COMMENTS

About Leonard Basilio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved