Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yassi, bagong dance partner ni Rayver
Yassi, bagong dance partner ni Rayver

Yassi, bagong dance partner ni Rayver

HANGGANG ngayon ay hinihintay ang anunsiyo ng Star Cinema kung sino ang gaganap na Darna sa pelikulang ididirehe ni Erik Matti.

Bagamat si Angel Locsin naman ang nasa utak ng lahat ay hindi maiiwasang magduda pa rin dahil as of now ay hindi nababalitang nagso-shoot ang aktres bukod pa sa may ibang tinatapos na project si direk Erik, iba pa ‘yung OTJ mini-series para sa HOOQ ngayong Marso.

READ MORE:  Jed, pinayuhan ni Kris na maging maingat sa pagpo-post sa social media

May bulong-bulungang si Yassi Pressman na ang gaganap na Darna since ABS-CBN talent na siya. Pero hirit naman ng iba, “imposibleng ibigay ng Start Cinema sa hindi homegrown talent.”

May mga supporter din ang dalaga na nagsabing bagay siyang maging Darna.

Si Yassi ay mina-manage ng Viva Agency ni Ms. Veronique del Rosario kasama sina Nadine Lustre, James Reid, at Anne Curtis.

READ MORE:  Tulong para kay Buboy, tinanggihan ni Nora

Mukhang aware naman ang leading lady ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano na hindi siya mapipili dahil sa sagot niyang, “sobrang laking honor even If I don’t get to play the role na kung isa ako sa mga iniisip nila na posible, sobrang nakatutuwa. Just the fact na naiisip nila (fans) ako na dapat maging part ako, thankful.”

READ MORE:  Hashtags, bagong kagigiliwan sa It’s Showtime

Sa katatapos na contract signing ni Yassi sa ABS-CBN ay ang Ang Probinsyano palang ang isa sa nabanggit na projects niya.

Marami ring pumuri sa production number nila ni Rayver Cruz sa ASAP kamakailan at siya na raw ba ang dance partner ng aktor?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved