Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jinkee, ikinaloka ang balitang patay na siya
Jinkee, ikinaloka ang balitang patay na siya

Jinkee, ikinaloka ang balitang patay na siya

NO jinx. Si Bernard Cloma na tumatayong spokesperson ng pamilya Pacquiao na kausap ko isang araw matapos kong tanungin ang ukol sa kumakalat na umano, sumakabilang-buhay na ang kaibigan niyang maybahay ng pambansang Kamaong si Manny Pacquiao na si Jinkee.

Ang sagot sa akin ni Bernard, tawa lang sila ng tawa ni Jinkee noong una. Pero naloka na naman sila nang isang artikulo na ang lumabas at sa Amerika na ito kumalat. Kaya nagagalit na ang pamilya Pacquiao dahil hindi na ‘yun katawa-tawa at isang masamang biro na.

Wala naman silang alam na personal na kaaway ni Jinkee. Kaya iisipin na lang nila na marami pa rin ang inggit dito.

Ayaw na nga lang nilang sumama ang loob ng Matriarka ng mga Pacquiao na si Mommy Dionisia o D. Dahil nakaratay ito sa banig ng karamdaman dahil sa aksidente sa kanyang spine. Na hindi makagalaw.

Sa bayan nga nila dapat sa Gensan gaganapin ang presscon at premiere ng Tatlong Bibe ng Regis Films na may mahalaga siyang papel. Sabi ni Senator Manny, magiging walang saysay din ang event dahil hindi nga lumalabas ng silid niya ang depressed sa kalagayan niya na si Mommy D sa kanilang mga producer na sina Anicia Regis at Edith Fider.

Ligaw na bala, tampok sa MMK

READ MORE:  Joel Cruz, pinarangalan sa Japan

STRAY bullet.

Ngayong  Sabado, matutunghayan ang istorya ng isang pamilyang marami ang makare-relate sa atin dahil pandalas na nababalita na ang gaya ng nangyari sa kanila, ito’y matutunghayan sa MMK (Maalaala Mo Kaya).

Ligaw na bala ang kumitil sa buhay ng anak na si Ninin (Yñigo Belen) ng mag-asawang Isong (Jhong Hilario) at Marilou (Angel Aquino). Batang police officer at habal-habal driver si Isong na iniidolo ng kanyang anak kaya ang pangarap nito ay maging isang pulis paglaki.

Paano ba hinaharap ng isang pamilya ang pagkawala ng isang minamahal ng walang kalaban-laban?

Mula sa direksiyon ni Frasco Mortiz, panulat at saliksik nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos, kasama sa cast ng istoryang kukurot sa ating mga puso sina Nikki Bagaporo, Jason Fernandez, Young JV, David Chua, Winryll Banaag, Nhickzy Calma, Menggie Cobbarubias, at Macky Billiones.

READ MORE:  Pamilya Revilla, kay Grace Poe ibinigay ang suporta

Walang mintis ang tutok ng mga manonood sa magagandang istorya ng  MMK tuwing 8:15 p.m. sa Kapamilya.

The Better Half, ‘di nananamantala

WHICH is better?

Parang ito ngayon ang nagiging tanong ng mga manonood na tutok din tuwing hapon sa The Better Half sa Kapamilya.

Tinatalakay na nito ang ilan sa mahahalagang paksa sa ating lipunan.

Mula nang masaksihan ko ang unang dalawang araw ng palabas in advance, naging sobrang hooked na ako sa mga eksena ng palabas na tampok sina Shaina Magdayao, JC de Vera, Carlo Aquino, at Denise Laurel. Hindi lang ang magandang produksiyon nito ang inaabangan ko kundi ang mga bagay ding tinatalakay nito gaya ng malalalim na paksa na nagbibigay-aral sa mga manonood.

Nariyan ang mental illness gaya ng anxiety disorder na pinagdaanan ni Camille (Shaina) matapos mawala ang asawa. Hindi biro ang ganitong karamdaman dahil maaari itong makasira ng buhay. Na dapat agad ma-address at bigyan ng lunas.

Nakasasabik din ang kuwento ng mga karakter na nagbibigay inspirasyon sa mga taong umiibig. Si Camille, nawalan ng asawa at halos nabaliw na. Pero lumaban siya at bumangon muli para sa pamilya. Nakabibilib din sina Marco (Carlo) at Rafael (JC), na handang gawin ang lahat para sa taong mahal nila. Nagsisilbi namang babala si Bianca (Denise) na naging baliw sa pag-ibig na halos ikasira na ng kanyang buhay.

READ MORE:  Hindi pa tapos ang laban — Sugar

Kakaiba ito sa mga dating naipalabas nang serye ng ABS-CBN. Bihira pang gawin sa telebisyon. ‘Yung may pagka psycho-thriller. Bibilib ka sa kemistri ng mga artista sa batuhan nila ng mga linya.

Wala namang makikitang pananamantala sa mga eksena ng palabas na pumapasok o pumapasa sa SPG ratings ng MTRCB. Walang pang-aabusong nagaganap. Dahil hindi umiikot sa mga maseselang eksena ang serye. May mas malawak itong kahulugan na hindi dapat bahiran ng kahit na anong malisya. Isa itong de-kalibreng seryeng nagsasadula ng realidad ng ating mga buhay.

Who is the better better half then?

‘Di pa rin makatkat sa isipan ng mga manonood ang mga linyang, “I am having an affair with my husband…” ni Camille (Shaina).

HARDTALK- Pilar Mateo

COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved