Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Railway system malapit nang umarangkada (Mag-uugnay sa Bulacan at Tutuban)
Railway system malapit nang umarangkada (Mag-uugnay sa Bulacan at Tutuban)

Railway system malapit nang umarangkada (Mag-uugnay sa Bulacan at Tutuban)

INILATAG na ng Japan International Coordinating Agency (JICA), ang detalye kaugnay sa 38-kilometer railway project, na mag-uugnay sa Malolos, Bulacan at Tutuban.

Ang nasabing proyekto ay popondohan ng JICA, sa pamamagitan ng loan ng pamahalaan na aabot sa $1.99 bilyon, nauna nang pinagtibay noon pang 2015.

READ MORE:  Motorcycle rider todas sa bus

Base sa North-South Commuter Railway (NSCR) project, magkakaroon ng 13 units na may tig-walong coaches, ang bawat tren na bibiyahe.

Tatagal ng 36-minuto ang tagal ng biyahe mula sa Tutuban hanggang sa Malolos City, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

READ MORE:  Text scammer pa kinasuhan ng Globe (Marami pa ang kasunod ...)

Inaasahang aabot sa 220,000 pasahero araw-araw ang mabibigyan ng serbisyo ng nasabing elevated train system.

Ang mga himpilan nito ay matatagpuan sa Tutuban at Solis sa Maynila; Caloocan; Valenzuela; Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guinginto at Malolos sa Bulacan at tatahakin ng nasabing train system ang dating ruta ng Philippine National Railway (PNR).

READ MORE:  Death penalty vs drug lords isusulong ni Pacman

Sisimulan ang konstruksiyon ng proyekto sa 2019, at inaasahang matatapos sa kalagitnaan ng 2022.

(MICKA BAUTISTA)

COMMENTS

About Micka Bautista

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved