Friday , September 12 2025
Sipat Mat Vicencio

Destabilisasyon

KUNG tutuusin, wala naman talagang dapat pagtalunan kung meron ba o walang destabilsas-yong ginagawa ang ilang grupo para pabagsakin ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Simula pa lang kasi nang maupo sa puwesto si Digong, kaliwa’t kanang kontrobersiya na ang kanyang pinasok lalo nang batikusin niya ang foreign policy ng Estados Unidos kasabay ng pagpuna sa United Nations at European Union.

Sinabayan ito ng tirada ni Digong na kanyang paiigtingin ang pakikipagkalakalan sa bansang Russia at China, at ang posibilidad na pagbili ng makabagong armas sa dalawang bansa.

Marami ang nagsabing dito nasaktan ang mga Amerikano, at pinaniniwalaang agad na pinakilos ang Central Intillegence Agency o CIA para unti-unting ‘gibain’ ang gobyerno ni Digong.

Tumindi pa ang ‘paggiba’ sa administrasyon ni Digong nang lumutang ang iba’t ibang grupo ng human rights advocates at halos walang tigil na kinondena ang programa ng gobyerno kontra ilegal na droga o ang Oplan Tokhang.

Nasundan ang sinasabing pag-atake ng mga kalaban ng administrasyon nang lumutang si Edgar Matobato, at itinuturo mismo si Digong na utak ng Davao Death Squad (DDS) na may pakana ng maraming patayan sa Davao.

Lalo pang tumindi ang atake kay Digong nang katigan ang paglilibing sa labi ni dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.  Halos dalawang malalaking pagkilos ang inilunsad ng mga dilawan at makakaliwang grupo noong Nob-yembre 30, Bonifacio Day at December 10, Human Rights Day.

Sa pagpasok ng taong 2017, inakala ng lahat na tahimik na ang mga kalaban ni Digong. Pero nagulantang na lamang ang lahat nang biglang pumutok muli ang isyu sa bank account ni Digong na nagkakahalaga ng P2.4 bilyon.

Kasabay nito, muling binulabog si Digong sa paglutang ni Arthur Lascañas, dating pulis, at inaakusahan ngayon si Digong na siyang pasimuno sa patayan sa Davao. Sa susunod na linggo, nakatakdang dinggin ng Senado ang panibagong testimonya ni Lascañas.

Kaya nga kung tutuusin, malinaw na talagang mayroong destabilization plot laban sa administrasyon ni Digong. Ang problema lang kasi, makulit ang mga nasa Gabinete ni Digong, at hindi magkatugma ang kanilang mga sinasabi.

Ogag din lang talaga si PCOO Secretary Martin Andanar. Maaari naman niyang sabihin na bahagi ng destabilization plot ang pinatawag na press con ni Lascañas, pero huwag na siyang magsasabing meron itong ‘hatag’ sa Senate reporters.

Kamote!

SIPAT – Mat Vicencio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

money politician

The Who: Pondo para sa isang proyekto ipinalustay ng isang gabinete para sa kampanya ng kapatid

GARAPAL naman talaga ang isang opisyal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa sobrang kakapalan …

Firing Line Robert Roque

Wa’ epek ang pagluha

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINONG hindi magiging emosyonal sa gitna ng malupit na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Katarungan, agad nakamit sa QCPD hot pursuit operations

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi pa hinahatulan ng korte ang tatlong naarestong ‘salarin’ na …

Dragon Lady Amor Virata

Aplikasyon sa Ombudsman ni Remulla hinaharang

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata GAANO katotoo na hinaharang umano ni Senator Imee Marcos …

Sipat Mat Vicencio

Daza, Ongchuan at ang political dynasty sa Northern Samar

SIPATni Mat Vicencio KAPAG ang pag-uusapan ay politika sa Northern Samar, kaagad at mabilis na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *