Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Biktimang kritikal nadagdagan (Sa Tanay bus tragedy)
Biktimang kritikal nadagdagan (Sa Tanay bus tragedy)

Biktimang kritikal nadagdagan (Sa Tanay bus tragedy)

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga pasyenteng nasa kritikal na kondis-yon, makaraan ang naganap na trahedya sa bus sa Tanay, Rizal, ikinamatay ng 15 katao.

Ito ay dahil ibinalik sa Amang Rodriguez Hospital si Rico Melendez, inoperahan dahil sa intra- abdominal injury.

Ayon sa isang doktor sa naturang hospital, nasa stable na kalagayan ang biktima ngunit kai-langan salinan ng dugo dahil bumaba ang hemoglobin, posibleng dulot nang pagdurugo sa kanyang liver.

Ibinalik din sa pagamutan ang biktimang si Jover Sumugat nang biglang sumuka ng dugo at hindi nawawala ang pagkahilo.

Inaasahang lalabas na mula sa ospital ang i-lang pasyente ano mang araw.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved