Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Daniel, over protective kay Kathryn
Daniel, over protective kay Kathryn

Daniel, over protective kay Kathryn

NATUTUWA si Kathryn Bernardo na hindi siya itinatago ni Daniel Padilla. Very vocal si DJ kung ano ang nararamdaman niya sa dalaga. Makikita rin paminsan-minsan ang holding hands nila, pagyakap, pag-akbay, at pag-aalaga sa kanya. Malaking bagay iyon sa dalaga.

“Hindi ako sanay na hindi ko siya inaalalayan. Alam mo ‘yun?Galing ko rin, ano? Hindi loko lang ha!ha!ha!,” deklara ni DJ. ”Na-spoiled ko masayado,” pagbibiro pa ni Daniel.

READ MORE:  Male contestant, ‘regular work’ na ang pagsa-sideline

Pero idiniin ni DJ na hindi siya sanay na magpaka-sexy si Kathryn sa mga susunod nitong proyekto. Pampersonal lang ang mga sexy photo ni Kath na kinunan sa Boracay at nai-post sa social media.

“Pero darating naman ‘yun. Parang normally, naturally darating ka sa point na gagawin mo na rin ‘yung ganoon dahil ganoon naman talaga. Pangit ‘yung pipilitin mo,” deklara ng actor.

READ MORE:  Ashley Aunor, masaya at makulay ang 18th birthday!

Lagi namang nagpapaalam si Kathryn ‘pag gagawa ng mga maseselang eksena.

“Lagi, lagi ‘yan. Minsan pinag-aawayan pa namin pero siyempre, pinangangalagaan ko lang din naman siya. Hindi naman sa masyado akong overprotective pero siyempre iniisip din naman natin ‘yung mga iisipin ng mga tao, ‘yung fans, siyempre ng mga supporter dahil marami tayong mga batang supporters. Ayaw natin silang mabigla. Gusto natin ‘yung nakasasabay pa rin sila sa amin,” bulalas pa ni Daniel.

READ MORE:  The Maid In London, isang pelikulang puno ng pag-asa — Matt Evans

Bakit very vocal na sila ni Kathryn ngayon?

“Limang taon na ..ha!ha!ha! Nakakasawa na ‘yung mga pasada..pasadang sagot, eh,” pakli niya.

Twenty seventeen na, ano ba talaga ang status nila?

“Obvious na ‘yun. Alam niyo na ‘yun,” tugon pa ni DJ.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved