Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sa all-out war vs gambling ng PNP: Usapang pera-pera kaya walang sangkot na buwis-buhay — Gen. Bato
Sa all-out war vs gambling ng PNP: Usapang pera-pera kaya walang sangkot na buwis-buhay — Gen. Bato

Sa all-out war vs gambling ng PNP: Usapang pera-pera kaya walang sangkot na buwis-buhay — Gen. Bato

NAGDEKLARA ng all out war sa illegal gambling si PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, ngunit tiniyak na hindi magiging madugo gaya sa kanilang kampanya noon laban sa ilegal na droga.

Paliwanag ni Dela Rosa, hindi sira ulo ang mga sangkot sa ilegal na pasugalan, ‘di tulad ng mga lulong sa droga na handang pumatay at magpakamatay.

READ MORE:  West Valley Fault ‘hinog’ na sa mas malakas na lindol

Sa ilegal na pasu-galan, pera-pera lang ang usapan kaya’t naniniwala siyang walang sangkot dito na magbubuwis ng buhay.

Kompiyansa si Dela Rosa, hindi aabutin ng anim buwan ang pagsugpo sa ilegal na pasugalan sa bansa, kailangan lamang ng kooperasyon ng publiko maging sa mga opisyal ng gobyerno.

READ MORE:  Marriage dissolution tututulan hanggang SC — Rep. Atienza

Sa ngayon, inalerto ng PNP ang lahat ng kanilang regional offices, para maglunsad ng one time bigtime operations (OTBT), laban sa illegal gambling operators.

May security adjustment nang ipinatupad ang PNP kaugnay sa na-sabing kampanya.

READ MORE:  Mag-asawang ISIS members timbog sa BGC

Una rito, nagpalabas ng utos si Pangulong Rodrigo Duterte sa pa-mamagitan ng Executive Order 13, nagsasabing lalo pang paiigtingin ng PNP, National Bureau of Investigation, at iba pang law enforcement agencies, ang kampanya kontra illegal gambling.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved