Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Your Face Sounds Familiar: Kids, isa sa pinakapinanonood
Your Face Sounds Familiar: Kids, isa sa pinakapinanonood

Your Face Sounds Familiar: Kids, isa sa pinakapinanonood

SA pagbubukas ng 2017, nananatiling nangunguna sa buong bansa ang ABS-CBNnoong Enero dahil mas maraming mga manonood mula sa urban at rural homes ang nagpakita ng suporta sa mga programang nagbibigay inspirasyon at nagpapalaganap ng aral at pagmamahal.

Nakapagtala ang Kapamilya Network ng average audience share na 44%  base sa datos ng Kantar media.

Hindi nagpahuli ang ABS-CBN sa top 20 most watched programs sa bansa dahil 15 dito ay mula sa Kapamilya Network. Numero uno sa listahan ang FPJ’s Ang Probinsyano, na may average national TV rating na 37.2%.

READ MORE:  Kampo ni Cesar, feeling napaglalaruan daw sila ni Sunshine

Sumunod ang reality-talent program na Your Face Sounds Familiar: Kids, na tampok ang pinaka-cute at talented Kapamilya child stars, na may 35.2%. Naging patok din ang mga aral sa Wansapantaym sa pagtala nito ng 30.1%.

READ MORE:  Helga Krapf, naglayas!

Nakakakuha naman ng national TV rating na 30% ang MMK sa patuloy nitong pagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga totoong kuwento ng mga Filipino.

Agad din naging patok ang My Dear Heart sa pagpapaalala nito sa mga manonood sa kapasidad ng taong magmahal, na nakapagtala ng 28.5%. Hindi rin nagpahuli ang katatapos lang na seryeng Magpahanggang Wakas na may 25%.

READ MORE:  10,000 Hours ni Robin, big winner sa 2013 MMFF awards night!

Kasama rin sa Top 20 ang TV Patrol (28.8%), Magpahanggang Wakas (25%),”Home Sweetie Home (24.9%), Goin’ Bulilit (23.1%), A Love to Last  (22.7%),TV Patrol Weekend (18.6%), Ipaglaban Mo (17.7%),  Minute to Win It Last Man Standing (17.7%), Doble Kara (17.4%), at  It’s Showtime (16.8%).

ni ROLDAN CASTRO

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved