Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 3 drug pushers itinumba (Sa Misamis Oriental)

3 drug pushers itinumba (Sa Misamis Oriental)

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinagbabaril hanggang mapatay ng hindi nakilalang armadong kalalakihan, ang tatlong suspected drug pushers at users, sa Brgy. Tagoloan, Misamis Oriental kamakalawa.

Ito ay habang nasa loob ng isang shanty, at may transaksiyon sa illegal drugs sa nasabing lugar.

Kinilala ang mga suspek na sina Rolly Ello, Mark Lester Dacudor, at Carlo Dacudor, pawang mga residente sa nasabing lalawigan.

Nakatakas bagama’t sugatan ang kasama ng mga biktima, na si Edgardo Paculba, nakatakbo makaraan ang pamamaril.

Todo-bantay ang mga awtoridad kay Paculba habang naka-confine sa Northern Mindanao Medical Center.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved