Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 17 packs ng shabu iniwan sa sasakyan
17 packs ng shabu iniwan sa sasakyan

17 packs ng shabu iniwan sa sasakyan

NATAGPUAN ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), ang ilang kilo ng pinaniniwalaang shabu, mula sa isang abandonadong sasakyan sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Atty. Ric Diaz, regional director ng NBI-National Capital Region, nakatanggap siya ng impormasyon isang pulang Nissan Sentra (WNL-700) ang may kargang shabu, sinasabing ide-deliver sa katimugang bahagi ng Metro Manila.

READ MORE:  ‘Regalo’ sa Senior Citizens kinupitan ni Malapitan

Agad naglatag ng dragnet operation ang NBI para maharang ang nasabing sasakyan, at dakong 5:30 pm nang makita ang sasakyan, habang nakaparada sa Escolta, Manila.

READ MORE:  Wheelchair sa Araw ng Kalayaan kaloob ni Lim

Naghintay ang mga ahente ng NBI kung sino ang lalapit sa nasabing sasakyan, ngunit makalipas ang apat na oras, walang taong kumuha sa sasakyan, kaya’t nagdesisyon silang buksan ito.

READ MORE:  Iniwan ng partner kelot nagbigti

Sa puntong ito, tumambad sa kanila sa loob ng nasabing sasakyan ang isang luggage, naglalaman ng 17 packs ng shabu.

(LEONARD BASILIO)

COMMENTS

About Leonard Basilio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved