Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Police scalawags timbrado na

Police scalawags timbrado na

INIUTOS ni Interior and Local Government Secretary Ismael Mike Sueno, ang pag-aresto sa police scalawags na sangkot sa criminal activities.

Sinabi ni Sueno, may natitiktikang mga tiwaling pulis at sa susunod na mga araw ay magkakaroon ng mga resulta.

READ MORE:  Wanted na bomb expert Basit Usman patay na

Mahigpit ang bilin ng kalihim, nais niyang sa loob ng isang linggo ay magkaroon nang magandang resulta at may mahuhuling police scalawags.

Tiniyak ni Sueno, bilang na ang araw ng mga tiwaling pulis at gagawin nila ang lahat na sila ay maaresto, dahil sobra nang naapektohan ang imahe ng PNP, lalo sa pagkakadawit ng ilang police officers sa pagkidnap at pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick-joo, pinatay sa loob mismo ng Kampo ng Crame.

READ MORE:  Killer ng Iligan broadcaster timbog sa NBI
READ MORE:  Rapist/holdaper na taxi driver arestado (La Salle coed biktima rin)

Sinabi ni Sueno, sinasakyan ng mga tiwaling pulis ang Oplang Tokhang na programa ni Pangulong Rodrigo Duterte, para magkapera.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved