Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P121-M shabu nakompiska sa mag-asawa
P121-M shabu nakompiska sa mag-asawa

P121-M shabu nakompiska sa mag-asawa

CEBU CITY – Aabot sa 10.2 kilo ng shabu, P121 milyon ang halaga, ang nakompiska ng mga operatiba ng Cebu City Police Station (CCPO) sa buy-bust operation sa Brgy. Basak, San Nicolas, dakong 9:00 pm kamakalawa.

Nahuli sa operasyon ng pulisya ang mag-asawang kinilalang sina Mark at Mercy Abellana, sinasabing malaking supplier ng shabu sa lugar.

Una rito, sinabi ni CCPO director, Sr. Supt. Joel Doria, agad silang nagsagawa ng buy-bust operation nang maberipika ang ilegal na gawain ng mag-asawa.

Patuloy na kinokompirma ng CCPO ang nakuha nilang impormasyon na galing sa kapatid ni Mark Abellana sa New Bilibid Prison (NBP) ang nakuhang droga.

Itinanggi ng mag-asawa na sa kanila ang nakuhang ebidensiya.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved