Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kelot nakitulog sa kapitbahay, patay sa boga

Kelot nakitulog sa kapitbahay, patay sa boga

PATAY ang isang lalaki na sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya kamakailan, nang pasukin at pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang mga suspek habang natutulog sa bahay ng kapitbahay sa Malabon City, kamakalawa ng tanghali.

READ MORE:  District Director hotline vs krimen, sugal inilunsad sa Maynila

Agad binawian ng buhay si Manuel Sari, 46, stay-in painter sa Daang Hari, Navotas City, at residente sa Damata, Letre, Brgy. Tonsuya, Malabon City.

Ayon sa pulisya, patuloy ang kanilang fallow-up investigation upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pagpatay sa biktima.

READ MORE:  Project Tokbuk inilunsad sa Valenzuela (Para sa OSY)

Sa imbestigasyon nina PO2 Rockyma Binayug at PO2 Roldan Angeles, dakong 12:50 pm, natutulog ang biktima sa kapitbahay na si Adora Salvador, nang pumasok ang armadong mga suspek.

READ MORE:  SUV reward ni Duterte vs drug syndicates

Hinarang ni Salvador ang mga suspek ngunit itinulak siya at pinagbabaril ang natutulog na biktima at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved