Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kelot kalaboso sa binugbog na partner (Tinanong sa relasyon)

Kelot kalaboso sa binugbog na partner (Tinanong sa relasyon)

SWAK sa kulungan ang isang lalaki makaraan pagsusuntukin at tutukan ng patalim sa leeg ang kanyang live-in partner nang magalit makaraan kausapin ng biktima hinggil sa kanilang pagsasama, sa Malabon City kahapon.

Kinilala ang suspek na si Zedric Piquing, 21, ng 10 Alumiño St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod.

READ MORE:  P3-M ecstacy nasabat, suspek arestado

Salaysay ng biktimang si Ma. Lourdes Pedida, 25, kina PO2 Ma. Theresa Dagman at PO1 Mayett Simeon, ng Women and Children’s Protection Desk, dakong 1:30 am, habang nakahiga sila sa kama, kinausap niya ang suspek kung ano ang plano kaugnay sa kanilang pagsasama.

READ MORE:  Bong Go walang paki sa DND-SAP bidding

Ikinagalit ito ng suspek at bigla siyang hinatak at sinuntok sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pagkaraan, kumuha ng patalim ang suspek at tinutukan sa leeg ang biktima saka nagbantang gigilitan siya sa leeg.

READ MORE:  7 probinsiya storm signal no. 1 sa bagyong Ambo

Bunsod nito, humingi ng tulong ang biktima sa Malabon Police Community Precinct (PCP) na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. (ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved