Wednesday , June 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Telefantasya ng GMA, nangangarag sa pagkawala ni Kylie
Telefantasya ng GMA, nangangarag sa pagkawala ni Kylie

Telefantasya ng GMA, nangangarag sa pagkawala ni Kylie

MALAKI pala ang epekto ng pagkawala ni  Kylie Padilla sa telefantasya ng GMA na  Encantadia dahil nag-revise sila ng script. May mga eksena na silang tinambak na nasayang at  hindi na magagamit.

Ngaragan ngayon sa set at nagjging daily na sila mag-taping dahil  sa revision na nangyari.

At dahil tatlo na lang ang Sang’re hindi sila kailangang magpa-late sa calltime nila.

Gayunman suportado ng cast  ng serye  ang pagbubuntis ni Kylie. Gaya na lang si Glaiza De Castro  na masaya nang mabalitaang engaged na sina Aljur Abrenica at Kylie. Naniniwala si Glaiza na  dapat ay hindi puro work sa industriyang ito. Dapat ay may  personal life rin tayo na kailangan protektahan af pangalagaan. Deserve ni Kylie na gumawa ng desisyon na ikaliligaya niya.

Kitang-kita naman na masaya si Kylie kung anuman ang kalagayan  niya ngayon.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top