Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maxine Medina, gagamit ng interpreter
Maxine Medina, gagamit ng interpreter

Maxine Medina, gagamit ng interpreter

INIHAYAG ng pambato ng Pilipinas para sa Miss Universe pageant na si Maxine Medina na gagamit siya ng interpreter.

Ito ang sinabi ni Medina kahapon sa GMA News.

Sinabi pa ni Medina na hindi pa niya tiyak kung magta-Tagalog siya o mag-i-Ingles kapag natanong ng mga hurado sakaling makapasok siya sa Top 6.

READ MORE:  Richard Yap at Richard Poon, magsasama sa isang concert

Ani Maxine, “Siguro masasabi natin on that moment, because I consider an interpreter beside me.

“Pero it’s up to me if I can speak in English or can speak in Tagalog,” saad ni Maxine.

Harvey at rapper Flo Rida, dumating na

READ MORE:  Born For You, hawig ng Serendipity

DUMATING na kahapon ang American TV host-comedian na si Steve Harvey para mag-host sa 65th Miss Universe na gaganapin sa Mall of Asia Arena, Pasay City, sa Lunes,  January 30.

Dumating siya bandang 8:00 a.m. sa pamamagitan ng Special Flight N626JE.

Sinalubong si Steve ni Department of Tourism Undersecretary Ricky Alegre at ni Luis ‘Chavit’ Singson.

READ MORE:  Direk Joyce Bernal, humahanga kay Gil Cuerva

“We are so happy, honored and proud to have Mr. Harvey in the Philippines,” ani  DOT Secretary Corazon Wanda-Teo sa media.

Bukod kay Harvey, dumating din kahapon ang rapper na si Flo Rida.

(HNT)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved