Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 12 sugatan sa 2 banggaan sa Maynila

12 sugatan sa 2 banggaan sa Maynila

UMABOT sa 12 katao ang sugatan sa dalawang insidente ng banggaan sa Maynila kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit, nagbanggaan ang pampasaherong jeep (PWR-873) na minamaneho ni Bievenido Tabale, at Mitsubishi Galant (DTG-480) na minamaneho ni Rafael Gonzaga, 52, dakong 1:40 am sa Kalaw Avenue at Taft Avenue, Ermita, Maynila.

READ MORE:  2 kelot sugatan sa videoke bar
READ MORE:  Shabu armas ng China para mangolonya

Bukod sa dalawang driver, sugatan din sa insidente ang pitong pasahero ni Tabale na agad isinugod sa PGH.

Sugatan ang driver na si Renz Bagtas, ng SUV (TSI-965) at dalawa niyang kasama, nang bumangga sa isang delivery truck ng prutas na minamaneho ni Roger Bosotros dakong 1:00 am sa Remedios St. kanto ng Taft Avenue, Maynila.

READ MORE:  Konstruksiyon ng Torre de Manila condo dapat ihinto (Giit ng NPDC)

(LEONARD BASILIO)

COMMENTS

About Leonard Basilio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved