Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 4 patay, 3 sugatan sa enkwentro sa Mindanao

4 patay, 3 sugatan sa enkwentro sa Mindanao

COTABATO CITY – Apat ang patay at tatlo ang malubhang nasugatan nang magpatupad ng search warrant ang pulisya at militar laban sa isang alkalde dakong 5:20 am kahapon sa probinsya ng Maguindanao.

Ayon kay Supt. Jimmy Daza, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-ARMM), nagpatupad sila ng search warrant operation sa Brgy. Saniag, Ampatuan, Maguindanao laban kay Mayor Rasul Sangki.

READ MORE:  Lascañas hinamon maglabas ng ebidensiya (Sa DDS operations)

Lumaban ang mga tauhan ni Sangki kaya sumiklab ang matinding palitan ng putok sa magkabilang panig.

READ MORE:  8 katao naospital sa amoy ng muriatic at chlorine

Tumindi ang enkwentro nang magresponde ang armadong grupo na kapanalig ng alkalde.

Umatras ang armadong kalalakihan nang dumating ang dalawang MG-520 attack helicopters ng Philippine Air Force (PAF) na tumulong sa ground force ng pulisya at pinagsanib na puwersa ng 57th at 19th IB.

READ MORE:  Bebot may sakit sa puso ginahasa, waiter arestado

Apat sa mga tauhan ni Sangki ang napatay at tatlo ang nasugatan, kabilang ang isang pulis.

Si Sangki ay kabilang sa tinaguriang narco-politicians na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved