Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / COP sibak sa kotong sa 3 Koreano
COP sibak sa kotong sa 3 Koreano

COP sibak sa kotong sa 3 Koreano

SINIBAK sa puwesto ang hepe ng pulisya ng Angeles City, Pampanga bunsod nang pagkakasangkot sa robbery, holdap at extortion ng kanyang mga tauhan sa tatlong Korean nationals.

Ayon kay PNP Region 3 director, C/Supt. Aaron Aquino, papalit sa puwesto ni S/Supt. Sidney Villaflor bilang chief of police ng Angeles City, si S/Supt. Jose Hidalgo Jr.

READ MORE:  Walang pasok sa elementary at high school (Sa transport strike)

Nauna nang sinibak ni Chief Supt. Aquino ang ilang pulis mula sa Angeles City Police Station 5 na kinilalang sina PO3 Arnold Nagayo, PO3 Roentjen Domingo, PO2 Richard King Agapito, PO2 Ruben Rodriguez, PO3 Gomerson Evangelista,  PO1 Jayson Ibe at PO1 Mark Joseph Pineda.

READ MORE:  Ex-BF killer ng utol ni Maritoni Fernandez

Kabilang din sa tinanggal sa puwesto ang mismong hepe ng Station 5 na si Chief Inspector Wendel Arinas at Senior Inspector Rolando Yutuc, deputy station commander.

READ MORE:  Dagdag na “Passport on Wheels” ng DFA aarangkada na (4 vans inilarga na)

Sa kabilang dako, tiniyak ni Senior Supt. Hidalgo, pabibilisin niya ang usad ng kaso ng mga Koreano na nabiktima ng mga pulis sa robbery extortion.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved