Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ysabel Ortega, kasali na sa Funny Ka Pare Ko, may endorsement pa!
Ysabel Ortega, kasali na sa Funny Ka Pare Ko, may endorsement pa!

Ysabel Ortega, kasali na sa Funny Ka Pare Ko, may endorsement pa!

NATUWA kami nang napanood si Ysabel Ortega na may commercial na sa TV. Actually, hindi naman kataka-taka ito dahil bukod sa talented, maganda ang alagang ito ni Katotong Ogie Diaz. Pero bukod pa sa commercial, bahagi na rin ngayon ng sitcom na Funny Ka Pare Ko na napapanood sa Cine Mo!.

Nag-iwan kami ng message kay Ysabel sa Facebook upang usisain kung ano ang papel niya sa sitcom nina Bayani Agbayani at Karla Estrada. Ang sagot niya sa amin, “Ako po ay gaganap na Barbie po, a student na kasama sa story ng anak nila Tita Karla and Tito Bayani.”

READ MORE:  Sofia, ipinagtanggol ni Liza; mahiyain at professional katrabaho

Dahil sa mga drama nalinya, game ka na rin bang mag-comedy? “Super game po ako to try new things and new fields when it comes to acting. I love doing drama roles and I’m also beginning to love my role here in Funny Ka Pare Ko, kasi never pa po ako nag-comedy talaga before.”

READ MORE:  Away nina Sunshine at Cesar, nakaiirita na

Nabanggit din ni Ysabel na sobrang saya niya sa pagkakaroon ng endorsement. “Sobrang grateful po ako na I became part of the Palmolive family and super special po sa akin ito because very first endorsement deal ko po ito. So, talagang nagpapasalamat ako sa pagkakataon na ibinigay po sa akin.”

READ MORE:  Home mgt. ni Sam, ‘di raw nanunulot ng talent! (Anak ni Jose Manalo, personal na lumapit sa Cornerstone)

Ngayong araw (January 25) ay 18th birthday ni Ysabel, ano ang kanyang birthday wish? “Thank you po sa pagbati! Ang birthday wish ko po ay good health lang po and more blessings to come sa career and sa family ko  .”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved