Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Showbiz mom, inisnab ang negosyanteng dati’y inuutangan
Showbiz mom, inisnab ang negosyanteng dati’y inuutangan

Showbiz mom, inisnab ang negosyanteng dati’y inuutangan

SA halagang P30,000 na pagkakautang (na ‘di pa raw bayad), nakilala tuloy ng isang lalaking negosyante ang showbiz mom na ito.

Kuwento ng mismong may pautang, noong walang-wala pa raw ang showbiz madir ay siya ang takbuhan nito. Hitsurang dis-oras ng gabi ay tinatawagan siya nito kapag nagigipit.

READ MORE:  Nash, Alexa, at Gimme 5, bibida sa bagong Wansapanataym Special (Perfecto, magsisimula na ngayong weekend…)

Pero nagbago na ang ihip ng hangin. Nagulat na lang daw ang businessman nang sumikat ng todo-todo ang anak nito. At kasabay ng pagsikat na ‘yon ay pagdami siyempre ng mga raket ng anak na katumbas ng halos ‘di na mabilang na pera.

Minsan ay ‘di sinasadyang nagkita sa isang event ang showbiz mom at ang businessman. Buong akala ng huli ay magiliw siyang lalapitan at kukumustahin ng madir.

READ MORE:  Angelica, pinagselosan si Bela 

Hindi naman daw niya ito sisingilin sa ‘di pa nababayarang utang, pero laking gulat niya nang deadmahin na lang siya nito. Himutok ng negosyante, dahil daw ba nakaahon na silang mag-ina mula sa kahirapan kung kaya’t ganoon na lang ang inasal ng madir?

READ MORE:  Direk Matti, tinawag na starlet si Lovi Poe

Da who ang balasubas na’y isnabera pang showbiz mom na ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Charisma Andrada.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved