Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aljur, pananagutan daw ang 3 buwang ipinagbubuntis ni Kylie Padilla
Aljur, pananagutan daw ang 3 buwang ipinagbubuntis ni Kylie Padilla

Aljur, pananagutan daw ang 3 buwang ipinagbubuntis ni Kylie Padilla

NANANATILING tahimik ang kampo nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica kahit pinagpipistahan na at pinag-uusapan ang buntis issue sa  Encantadia star. Wala pa ring statement at reaksiyong nakukuha kay Robin Padilla sa napapabalitang kalagayan ng anak.

Maging ang mga kasamahan ni Kylie sa telefantasya sa GMA ay nagulat sa napapabalitang buntis daw ang aktres.

Ayon sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal), tatlong buwan na umano ang ipinagdadalang tao ni Kylie at si Aljur daw ang ama.

READ MORE:  I will give you the REAL justice — Deniece Milette; Vhong is a rapist — Cedric Lee

Nagkabalikan ang dalawa noong September.

Matunog din ang tsikang pananagutan umano ni Aljur ang ipinagbubuntis ni Kylie. Nasa tamang edad nga naman sila at kaya na talaga nilang magtayo ng sariling pamilya.

Hindi totoo ang alingasngas na naghiwalay na naman ang dalawa. Very much in love raw ang dalawa. Tipong ‘you and me against the world’ ang status nila.

READ MORE:  Aurora, isang taong pinaghandaan; Anne, mabilis na-in love sa istorya

Tinututukan din ang social media account nina Kylie at Aljur pero wala pa rin silang kompirmasyon. Patuloy ang kanilang pananahimik. Pero pinusuan ni Kylie ang isang comment ng netizen na nagtanggol sa ‘buntis’ issue.

“Bakit naman sayang ang career? Nagkaroon lang ng baby sayang na agad? Maraming babae ang hindi nabiyayaan ng anak minsan cla pa ‘yung nagiging dahilan pra mas sumaya ang buhay, nakakalungkot lang isipin na porket nabuntis iisipin nyo agad sayang na agad ang career unfair naman sa baby yun.Wag lang sana niya ­ i-deny dahil magkakaroon xa ng marming ha­ters at kawawa c baby!”

READ MORE:  Kristel Fulgar, pinuri si Kathryn Bernardo bilang kaibigan

‘Yun na!

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved