Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pag-uugnay kina Maine at Vico, pinasinungalingan ni Coney
Pag-uugnay kina Maine at Vico, pinasinungalingan ni Coney

Pag-uugnay kina Maine at Vico, pinasinungalingan ni Coney

FINALLY, nagsalita na si Coney Reyes sa pagkaka-link ng kanyang anak na si Vico Sotto kay Maine Mendoza.

Ayon sa aktres ng bagong seryeng My Dear  Heart walang katotohanan ang tsismis na ito. ‘Yung fans lang daw ang  nag-uugnay kina Maine at Vico.

Sambit pa ni Coney, malalaman din naman daw niya kung mayroon talagang namamagitan sa dalawa. Very much single pa rin daw ang anak niya at focus ito sa work niya dahil marami raw itong gustong i-achieve.

READ MORE:  ABS-CBN, GMA at TV5, nagsama-sama sa SPEED Christmas Dinner party

Nilinaw din niya na hindi siya masyadong nakikialam sa lovelife ng anak. Ang lagi lang daw niyang sinasabi ay magtiwala sa Diyos  na ibibigay sa kanya kung sino talaga sa tamang panahon.

Anyway, sa trailer ng My Dear Heart ay parang kontrabida na naman ang role ni Coney gaya sa Nathaniel. Okey lang ba sa kanya na nakakahon siya sa ganitong klaseng papel?

READ MORE:  Sam, ‘di na ubra kay Jen dahil kay Dennis

“Hindi laging may change of heart ‘yung character na ipino-portray ko because I don’t accept a kontrabida role  na walang  redeeming value,” tugon niya.

Naniniwala siya na ‘yung pagiging strong kontrabida niya ay lumalabas ‘yung values. Mas madali nga raw sana sa kanya kung nakakahon siya, eh kaso, hindi naman daw ganoon. Hindi rin daw papayag ang mga director niya sa My Dear Heart na nakakahon siya. Hindi rin siya papayag na pareho rin ang makikita sa kanya sa unang kontrabida role na ginawa niya. Talagang pinag-aaralan niya ang  kanyang role at nagdarasal siya na magkaroon ng fresh treatment ang character niya.

READ MORE:  Pagtitiyak ni Beauty: Ako ang unang tatawagan ‘pag ikakasal sina Ellen at JLC

Pinupuri  rin niya ang batang si Heart Ramos sa My Dear Heart dahil hindi raw aral na acting  na nakikita sa bata. Bago pa raw pero very  promising.

Talbog!

TALBOG- Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved