Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Drug suspect utas sa parak

Drug suspect utas sa parak

PATAY ang isang lalaking hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Agad binawian ng buhay ang suspek na si Ricky Pahati, alyas Echo, residente sa Daang Bakal St.,  Brgy. 59, ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon nina PO3 Noel Bollosa at PO2 Cesar Garcia, dakong 12: 55 am nang maganap ang insidente sa Daang Bakal St.

Ayon kay Caloocan deputy police  chief, Supt. Ferdinand Del Rosario, nagsagawa ng anti-drug operation ang mga awtoridad sa nasabing lugar ngunit nakipagpalitan ng putok ang suspek na kanyang ikinamatay. (ROMMEL SALES)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved