Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 8-anyos nene inasawa ng ama

8-anyos nene inasawa ng ama

TUGUEGARAO CITY – Swak sa kulungan ang isang lalaki makaraan ang paulit-ulit na panggagahasa sa kanyang 8-anyos anak na babae sa Ballesteros, Cagayan.

Una rito, naglakas-loob ang bata na magsumbong sa kanyang guro at sinamahan siya na dumulog sa pulisya.

Sa salaysay ng biktima, Grade 1 pa lamang siya nang simulan halayin ng kanyang ama ngunit hindi nagawang magsumbong dahil sa takot sa bantang siya ay papatayin.

Nabatid na naiwan ang bata sa suspek nang maghiwalay ang kanyang mga magulang.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng ina ang bata.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved